Add parallel Print Page Options

16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; (A)upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at (B)kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

17 Huwag ninyong isiping (C)ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.

18 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, (D)Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

Read full chapter